Bumaba sa ikalawang sunod na buwan ang foreign reserves ng bansa noong Abril.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala sa 104.6 billion dollars ang gross international reserves (GIR) hanggang noong ika-apat na buwan.
Mas mababa ito kumpara sa 106.7 billion dollars na naitala noong katapusan ng Marso.
Ang GIR ay sukatan ng abilidad o kakayahan ng isang bansa na makapagbayad ng import payments at service foreign debt.