dzme1530.ph

Foreign investment pledges na nalikom ng Pangulo sa power at renewable energy sector, inaasahang lilikha ng 75k na trabaho

Inaasahang lilikha ng 75,000 trabaho para sa mga Pilipino ang isasakatuparan nang investments na nalikom ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang foreign trips.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), batay sa pakikipag-usap sa Department of Trade and Industry (DTI) ay mayroon nang magma-materialize na investments sa power at renewable energy sector.

Ito ay nanggaling umano sa limang bansa kabilang ang Germany, Singapore, at America.

Kaugnay dito, nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa DTI at Department of Energy upang alamin kung sapat ang manpower, at masigurong nakahanda ang imprastraktura sa nasabing investments.

Tinitiyak ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma na magtutulong-tulong ang iba’t-ibang departamento upang hindi mapurnada ang investment commitments. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author