dzme1530.ph

FOREIGN DIRECT INVESTMENTS, PUMALO SA 4-MONTH HIGH NOONG NOBYEMBRE

Loading

Umakyat sa four-month high ang investment inflows sa Pilipinas noong November 2025, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

Naitala ang Foreign Direct Investments (FDIS) sa 897-million dollar net inflow noong nobyembre, na pinakamataas simula nang mai-record ang 1.271 billion dollars noong Hulyo.

 

Kumpara ito sa 642 million dollars noong Oktubre subalit mas mababa sa 900 million dollars noong November 2024.

 

Kabilang sa datos ng central bank ang investments ng nonresident direct investors ng isang Philippine enterprise, kung saan ang equity capital ay at least 10 percent.

 

Ayon sa BSP, ang South Korea ang leading source ng FDIS na ang karamihan ng inflows sa naturang buwan ay nakadirekta sa manufacturing industry.

About The Author