Umabot sa 731 million dollars ang net inflows ng Foreign Direct Investments (FDIS) noong Enero.
Batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang FDI net inflows noong unang buwan ng taon ay mas mababa ng 20 percent mula sa 914 million dollars na net inflows na naitala noong January 2024.
Sinabi ng bsp na ang pagbagsak ng net inflows noong Enero ay bunsod ng pagbaba ng net investments ng non-residents sa debt instruments sa 519 million dollars mula sa 833 million dollars.
Ang top sources ng FDIS noong Enero ay kinabibilangan ng Japan, United States, Singapore, at Malaysia.