dzme1530.ph

Forced evacuation tinanggihan ng mga Pinoy sa Lebanon ayon sa PH Embassy

Tumatanggi ang mga Filipino sa Lebanon sa mandatory repatriation sa harap ng tumitinding military operations ng Israel laban sa Lebanon.

Ayon kay Foreign Affairs Asec. Robert Ferrer, nagsagawa ng survey ang Philippine Embassy sa Lebanon, sa mga Pinoy doon at mayorya aniya sa mga ito ay tumatanggi sa forced evacuation.

Sinabi ni Ferrer na hindi nila maaring puwersahin na umuwi ng Pilipinas ang mga Pinoy doon, dahil sa umiiral na demokrasya.

Hinimok naman ng DFA ang kaanak sa Pilipinas na kumbinsihin ang mga ito na lumikas na sa lebanon.

Sinabi ni Ferrer na sa ngayon, ilang mga Lebanese na ang umaalis ng kanilang bansa sa harap ng tumitinding pambobomba ng Israel sa Lebanon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author