Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang ilulunsad na food stamp program ay magiging sagot sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagpapalaya sa Pilipinas sa kahirapan at gutom.
Ayon sa DSWD, ang Food Stamp Program ay makatutulong sa pagbibigay ng mura, masarap, at masustansyang pagkain sa hapagkainan ng pamilyang Pilipino.
Ito umano ang daan upang sila ay maka-alpas sa gutom.
Matatandaang sa kanyang talumpati sa Quirino Grandstand para sa ika-125 anibersaryo ng araw ng kalayaan, ipinangako ng pangulo na magpu-pursige ang gobyernong palayain ang bansa mula sa problema sa kahirapan at gutom, na nagsisilbi umanong balakid sa human development.
Sa ilalim ng Food Stamp Program, ipapamamahagi ang tap cards sa pinaka-mahihirap na pamilya upang kanilang magamit sa pagbili ng piling pangunahing pagkain sa accredited local retailers. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News