dzme1530.ph

FOOD SECURITY EMERGENCY SA BIGAS, MANANATILI HANGGA’T NAKA-PENDING ANG RICE LAW, AYON SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Loading

Mananatili ang Food Security Emergency sa bigas na idineklara noong pebrero ng nakaraang taon, hangga’t hindi napagtitibay ang panukalang mag-aamyenda sa Rice Tarrification Law (RTL).

 

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na sa ngayon, habang wala pa ang bagong rice act, dapat manatili itong epektibo para ma-manage mabuti ang supply at demand ng bigas.

 

Ang tinutukoy ng kalihim ay ang panukalang Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) act, na naglalayong maibalik ang regulatory powers ng National Food Authority (NFA).

 

Ito ay upang matiyak ang stable na rice supply at presyo habang pino-protektahan ang kapakanan ng mga magsasaka at consumers.

About The Author