Idineklara ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang food security emergency sa bigas, batay sa rekomendasyong mula sa National Price Coordinating Council.
Sa statement, sinabi ni Tiu Laurel na ang deklarasyon ay magbibigay daan sa pag-release ng rice buffer stocks ng National Food Authority (NFA) upang ma-stabilize ang presyo at matiyak na mananatiling accessible sa mga consumer ang bigas na pangunahing pagkain ng milyon-milyong Pilipino.
Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng naturang deklarasyon na piliting maibaba ang presyo ng bigas matapos gawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan.