Binawasan ang budget allocation para masolusyunan ang matagal nang problema sa baha sa panukalang ₱6.793 trilyon na national budget para sa 2026.
Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na kabuuang ₱274.926 bilyon ang inilaang pondo para sa flood control projects.
Hahatiin ang pondo sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na makatatanggap ng ₱272.333 bilyon, at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na may ₱2.593 bilyon.
Ang proposed ₱274.9 bilyong alokasyon para sa flood control projects ay mas mababa kumpara sa ₱350 bilyon na inilaan sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).