dzme1530.ph

Flood control projects, idadaan sa science-based review bago aprubahan –Rep. Suansing

Loading

Idadaan sa “science-based facts” ang pag-apruba sa flood control projects sa buong bansa.

Sa budget briefing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa House Committee on Appropriations, sinabi ni Panel Chairperson Mikaela Suansing ng Nueva Ecija na dadaan muna sa mabusising pagrepaso ang lahat ng proyekto.

Naglatag na rin si Suansing ng parameters na magsisilbing gabay sa pag-apruba ng flood control projects, kabilang ang malinaw na feasibility study na naka-base sa science at facts.

Gagamitin ding basehan sa pag-apruba ang “Project NOAH” bilang determinant, lalo na sa mga lugar na nasa “red zones.”

Hinikayat din ni Suansing ang mga kapwa mambabatas na tutukan ang lahat ng reporma ng DPWH, upang matiyak ang accountability at responsiveness ng lahat ng opisyal.

Iginiit din nito ang pangangailangan ng maayos na sistema sa DPWH upang hindi na maulit ang pagkawala o maling paggamit ng mga proyekto.

About The Author