dzme1530.ph

Floating barriers ng China sa Bajo de Masinloc, inalis na ng PCG

Inalis na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barriers na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinag-utos ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año sa PCG ang pagsasagawa ng special operation upang alisin ang floating barriers na iniharang sa Southeast entrance ng Scarborough Shoal.

Ayon kay PCG Spokesman Jay Tarriela, ang paglalagay ng barrier ng China ay nagdala ng panganib sa navigation o paglalayag, at malinaw itong paglabag sa International Law.

Naging hadlang din ito sa pangingisda at paghahanapbuhay ng mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, na isang mahalagang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Kaugnay dito, iginiit ni Tarriela na ang pag-aalis sa barriers ay alinsunod sa soberanya ng Pilipinas sa lugar, at binigyang-diin din nito na pinagtibay sa 2016 Arbitral Award ang Bajo de Masinloc bilang traditional fishing ground para sa Filipino fishermen. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author