Inalis ng Chinese Coast Guard (CCG) ang floating barrier na inilagay nito sa Bajo de Masinloc, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sinabi ng PCG, na batay sa satellite images ay namataan pa ang floating barrier noong Huwebes, Feb. 15, subalit wala na ito nang magdala ng supplies ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Binigyang diin ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na ang paglalagay ng floating barrier ng China ay iligal na hakbang at ang unang una aniya na apektado rito ay mga mangingisdang Pinoy.