Inaprubahan ng Fiscal Incentive Review Board (FIRB) ang aplikasyon para sa tax incentives ng 25 proyekto na may pinasama-samang investment capital na P287.7-B sa unang taon ng Marcos administration.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, inaasahang magde-generate ito ng 24,617 jobs sa telecommunications, data centers, manufacturing, infrastructure, tourism, hospitals, mass housing, energy, at information technology and business process management (IT-BPM).
Sa datos mula sa Department of Finance, umabot sa P29.97-B ang inaprubahang incentives simula June 30, 2022 hanggang July 28, 2023.
Kabilang sa tax incentives na inaprubahanay ay duty exemptions sa importation, value-added tax zero-rating sa local purchases, at income tax holidays. –sa panulat ni Lea Soriano