Humiling ng tulong si First Lady Liza Araneta-Marcos kina DigiPlus Interactive Chairman Eusebio Tanco at COO Celeste Jovenir ng BingoPlus Foundation para makapag-paabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine sa Talisay, Batangas.
Personal na inihatid ng Unang Ginang kasama ang mga pinuno ng DigiPlus at BingoPlus Foundation ang mga ayuda tulad ng relief packs, gamot at cash aid para sa mga residente at lokal na pamahalaan ng Talisay Batangas.
Sinaksihan nina Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Vice Gov. Mark Leviste, DSWD Sec. Rex Gatchalian, Bacolod City Mayor Albee Benitez at iba pang opisyal ang paghahatid ng tulong.
Aabot na sa ₱37 million ang kabuuang halaga ng naipamahaging tulong ng DigiPlus at BingoPlus Foundation matapos tumanggap ng tig- ₱250,000 cash aid ang mga naiwang pamilya ng nasa 148 nasawi dahil sa pananalasa ng bagyo.
Ang BingoPlus Foundation ay social development arm ng DigiPlus, ang nangungunang online gaming entertainment sa bansa.
Isinusulong ng DigiPlus at BingoPlus Foundation na mas maraming pang Pinoy ang magkaroon ng access sa libreng edukasyon, libreng kabuhayan at libreng pagpapagamot.
Kung kaya’t bumuo ito ng apat na core pillars kabilang dito ang Future Smart Program, Kalusugan Plus Program, Kabuhayan Plus Program at Game Smart Program. —sa panulat ni Felix Laban