dzme1530.ph

First Lady Liza Araneta-Marcos, binigyan ng Honorary Degree of Doctor of Education ng Palawan State University

Tumanggap si First Lady Liza Araneta-Marcos ng Honorary Degree of Doctor of Education mula sa Palawan State University sa Puerto Princesa City.

Pinangunahan mismo ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera III at university officials ang pagbibigay ng honorary degree sa unang ginang na nagsilbi ring guest speaker sa graduation ceremony.

Kasabay ng pagpapaabot ng pagbati sa mga nagtapos, pina-alalahanan sila ni Marcos na yakapin ang kanilang passion at hanapin ang mga oportunidad na magpapaligaya sa kanila.

Pinayuhan din silang palaging tanggapin ang failures o mga kabiguan at matuto sa mga pagkakamali.

Sinabi ni Ginang Marcos na ang mga nagsipagtapos ay may kapangyarihang gumawa ng pagbabago kaya’t hinihikayat silang makiisa tungo sa mas masaganang hinaharap. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author