dzme1530.ph

Firecracker-related injuries, sumampa na sa mahigit isang daan, ayon sa DOH

Loading

Umakyat na sa isang daan at labindalawa ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa Department of Health (DOH), simula dec. 21 hanggang 28, nakapagtala ang metro manila ng pinakamataas na firework-related injuries na 52 cases.

Sumunod ang Ilocos region, labindalawa habang tig-siyam ang Central Luzon at Western Visayas.

Gayunman, inihayag ng DOH na ang naturang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok ay mas mababa ng 26% kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.

Sa datos ng ahensya, karamihan sa nasugatan ay mga lalaki na lima hanggang labing apat na taong gulang.

Kabilang naman sa pangunahing dahilan ng injuries ay dulot ng 5-star, boga, kwitis, piccolo, pla-pla, at whistle bomb.

 

About The Author