dzme1530.ph

Fire safety inspection sa concessionaires ng MIAA, isasagawa

Magsasagawa ng Fire Safety Inspection ang Rescue Firefighting Division ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa lahat ng concessionaires, tenants at office sa MIAA complex simula ngayong araw April 15. 2024.

Sa advisory ng MIAA, susuriin ang ipinatupad na mga kasanayan sa fire safety bilang pagsunod sa Republic Act No. 9514, o “Fire Code of the Philippines” at iba pang umiiral na mga regulasyon ng MIAA.

Dahil dito, hiniling ng MIAA na payagan ang mga kinatawan ng Terminal Safety Inspector sa loob ng lugar ng concessionaires na magsagawa ng inspeksyon kaugnay sa fire safety.

Ang mga natuklasan at rekomendasyon, kung mayroon man, ay ibibigay sa kanilang opisina para sa agarang pagwawasto ng hindi pagsunod upang mapanatili ang pinakamataas na pamantayan ng fire safety sa mga lugar ng trabaho o tanggapan nito.

About The Author