Inendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang financial management roadmap na magtitiyak ng maayos at transparent na paggasta ng pondo ng pamahalaan.
Sa seremonya sa Malacañang, iprinisenta ng Dep’t of Budget and Management ang Philippine Public Financial Management Reforms Roadmap 2024-2028 na magsisilbing blueprint ng polisiya at transparency sa paggamit ng pondo sa iba’t ibang ahensya.
Ayon sa Pangulo, sisiguruhin sa roadmap na matututukan ang mahahalagang serbisyo tulad ng disaster response, healthcare, at social services.
Ito ay tungo sa pagpapababa ng poverty o kahirapan para sa paglago at kasaganahan.
Itataguyod din nito ang mas maigting na koordinasyon sa bawat sektor para sa resource management, capacity building, paggamit ng teknolohiya, at mahigpit na pagpapatupad ng financial programs. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News