dzme1530.ph

Financial literacy and entrepreneurship program ng mga empleyado, isinusulong ni Cong. Nograles

Umaasa si Rizal Cong. Fidel Nograles na makakakuha ng suporta ang consolidated bill para sa “financial literacy and entrepreneurship” program ng mga empleyado.

Ayon sa Chairman ng Committee on Labor and Employment, habang pilit na nilalabanan ang pagtaas ng presyo ng bilihin, sumasabay din ang iba’t ibang financial scams at predatory loan na karaniwan mga mangagawa ang nagiging biktima.

Para kay Nograles kung matuturuan ang mga manggagawa ng financial literacy, mababago rin ang pananaw nito at magkakaroon ng entrepreneurial mindset.

Malaking tulong aniya ito para mapaganda ang kanilang buhay at pamilya nito.

Sa panukalang financial literacy programs, ituturo dito ang behavioral finance, savings, emergency resillience fund development, debt management, investment, insurance at retirement planning.

Ang mga aspiring employee-entrepreneurs ay pwedeng mag-avail ng grant o loan na popondohan ng kanyang kumpanya. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author