dzme1530.ph

FINANCIAL AT BANKING INSTITUTIONS, HINIMOK NA MAGPATUPAD NG LOAN MORATORIUM SA GITNA NG KRISIS SA ENERHIYA

Loading

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa mga banking and financial institutions na magpatupad ng loan moratorium at iba pang hakbangin upang mapagaan ang kinakaharap na sitwasyon bunsod ng epekto ng tensyon sa Middle East.
 
Sinabi ni Marcos na umaasa siyang susunod ang iba pang ahensya sa plano ng Social Security System o SSS na magkaloob ng immediate relief o kaginhawanan sa mga miyembro at employers na nakakaranas ng finacial difficulties.
 
Kasama sa hinihimok ng senador ang Government Service Insurance System, Pag-ibig Fund, PhilHealth, Small Business Corporation, Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at Agricultural Credit Policy Council.
 
Sa panahong ito anya na may energy crisis sa bansa, malaking tulong ang moratorium sa pagbabayad ng loan para matugunan ng ating mga kababayan ang kanilang mga pangangailangan.
 
Nagpasalamat si Marcos sa SSS dahil sa sumang-ayon at tumugon ito sa kanyang panawagan pansamantalang itigil ang singil at loan moratorium upang maibsan ang tumitinding hirap na dinaranas ng mga Pilipino dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.
 
Samantala, iginiit din ni Senador Erwin Tulfo na hindi lang dapat SSS ang magpatupad ng moratorium sa pagbabayad kundi dapat gawin din ito ng GSIS dahil marami itong miyembro na mga low income government employees lalo na ang mga job order o mga casual employees.

About The Author