dzme1530.ph

Financial assistance sa mga naapektuhan ng EO 39, natanggap na ng mahigit 100 rice retailers sa Maynila

Aabot sa mahigit 100 rice retailers sa Lungsod ng Maynila ang nakatanggap mg P15,000 na financial assistance mula sa pamahalaan.

Ito’y sa ilalim ng kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng tulong ang mga rice retailers na naapektuhan ng ipinapatupad na Executive Order No. 39 o ang price cap sa bigas.

Sa datos ng Manila LGU, nasa 192 rice retailers mula sa pampublikong pamilihan ang nakatanggap ng ayuda.

Bukod dito, may dalawang ring rice retailers mula sa pribadong palengke ang isinama sa listahan ng nabigyan ng financial assistance dahil sila ay sumunod sa patakaran ng EO 39.

Ginanap ang pamamahagi ng ayuda sa San Andres Complex na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry at ni Mayor Honey Lacuna. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author