Pabor din si Finance Sec. Benjamin Diokno na tuluyan nang mawala ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Diokno, malinaw ang kanyang pananaw sa pagnanais na paalisin na ang mga POGO sa bansa.
Sinabi pa ng finance chief na maaaring magmukhang malambot ang Pilipinas kung papayagan nito ang offshore gambling.
Sa kabila nito, nilinaw ni Diokno na wala pa siyang rekomendasyong i-phase out ang POGO dahil sarili posisyon lamang niya ito.
Matatandaang una nang sinang-ayunan ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan ang permanenteng pagbabawal sa mga POGO, dahil hindi umano matutumbasan ng revenues o kinikita rito ang negatibong epekto nito sa lipunan.
Ang rekomendasyong permanenteng pag-ban sa POGO ay nanggaling sa Senate Committee on Ways and Means. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News