dzme1530.ph

Filipinong turista, patay sa aksidente sa Hong Kong

Loading

Kinumpirma ng Philippine Consulate sa Hong Kong ang pagkamatay ng isang 35-anyos na Pilipinong turista matapos maaksidente sa Tsuen Wan, West Hong Kong.

Ayon sa konsulada, kasalukuyang nasa Kwai Chung Public Mortuary ang labi ng biktima, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang taxi driver na sangkot sa insidente.

Tiniyak ng konsulada na tinutulungan na nila ang pamilya ng nasawi, na inaasahang darating sa Hong Kong upang asikasuhin ang repatriation o pagpapauwi ng labi sa Pilipinas.

Patuloy rin ang koordinasyon ng konsulada sa Hong Kong Police kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang konsulada sa naulilang pamilya at siniguro ang kanilang tulong para sa repatriation at paghahanap ng hustisya para sa nasawing kababayan.

About The Author