dzme1530.ph

Filipino students, pinaka-malungkot sa mundo batay sa pag-aaral

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang mga Pilipinong mag-aaral ay maituturing na pinaka-malungkot sa mundo.

Ayon kay Second Congressional Commission on Education Executive Dir. Karol Mark Yee, sinabi mismo ng Pangulo na nabasa niya sa isang pag-aaral sa singapore na ang Filipino students ang “loneliest” o pinaka-malungkot sa mundo, at ganito rin ang datos mula sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Labis umano silang nalulungkot dahil pakiramdam nila na hindi sila kasali at sila ay nag-iisa.

Maituturing din umano ang bansa bilang Bullying Capital of the World, na itong pangunahing sanhi ng kalungkutan sa mga mag-aaral.

Ito ay nakaa-apekto sa kanilang edukasyon, at lumalabas din sa mga pag-aaral na ang mga laging nabubully ay nagkakaroon ng bagsak na marka sa math, science, at reading.

Isa ring indikasyon nito ang malaking kakulangan ng guidance counselors sa mga paaralan.

About The Author