Nasungkit ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena ang kanyang ikalawang sunod na gintong medalya sa Germany.
Na-clear ni Obiena ang 5.92 meters para mamayagpag sa 15-Man Field sa isa pang patimpalak sa naturang bansa.
Nagkamit naman ng silver medal si Sam Kendricks ng United States na nakapagtala ng 5.87 meters habang ang French athlete na si Thibaut Collet ang nag-uwi ng bronze medal sa record na 5.82 meter-finish.
Matatandaang na-clear din ni Obiena ang 5.92 meters, tatlong araw pa lamang ang nakalilipas nang manguna rin ito sa Istaf Berlin Outdoor Pole Vault Event.
Ang kanyang back-to-back gold medals ay pambawi sa kanyang early exit sa Zurich Leg of Diamond League kung saan siya nangulelat. –sa panulat Lea Soriano