dzme1530.ph

Filipino innovators, hinimok ng Pangulo na gamitin ang agham at teknolohiya sa pagpapabuti ng pamumuhay

Hinikayat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipinong manlilikha na gamitin ang kapangyarihan ng siyensiya at teknolohiya sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Sa kanyang mensahe sa 2024 Gawad Yamang Isip Awards Night na binasa ni Executive Sec. Lucas Bersamin, nanawagan ang Pangulo sa Filipino innovators na magkaisa sa pagpapayabong ng “transformative power” ng science and technology, tungo sa inklusibo at maunlad na Bagong Pilipinas.

Hinikayat din silang makiisa sa pagsusulong sa Pilipinas bilang isang regional hub para sa smart and sustainable manufacturing, innovation, creativity, at sustainability.

Kasabay nito’y tiniyak ni Marcos na mananatiling aktibo ang administrasyon sa pag-engganyo sa partners at private sector sa pagsusulong ng innovation, sa ilalim ng National Innovation Agenda and Strategy Document 2023-2028.

About The Author