dzme1530.ph

Filipino boxer Jerwin Ancajas, makakasagupa ang Colombian na si Wilner Soto sa Ten-Round Tune Up

Opisyal nang papasukin ni dating IBF World Super Flyweight Champion Jerwin Ancajas ang Bantamweight Division sa nakatakdang paghaharap nila ng Colombian na si Wilner Soto sa isang Tune-Up Bout sa June 24, sa Armory sa Minneapolis, USA.

Si Ancajas na may record na 33-3-2 with 22 knockouts ay galing sa dalawang magkasunod na pagkatalo sa kamay ni Fernando Martinez noong nakaraang taon.

Sinabi ni Joven Jimenez, manager at trainer ng Pinoy boxer na excited sila sa bagong weight class ni Ancajas at positibo silang  nasa maganda itong kondisyon.

Samantala, si Soto naman na may record na 22-12 with 12 knockouts, ay lumaban at natalo sa ilang kilalang pangalan sa boxing, gaya nina Murodjon Akhmadaliev at Cesar Jaurez. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author