Nasungkit ng Filipino athlete na si Carlos Yulo ang all-around silver sa Asian Gymnastics Championships sa Singapore.
Kabilang sa event na nilahukan at naipanalo ni Yulo ang parallel bars, floor exercise, at vault, para ma-secure ang kaniyang pwesto sa World Artistic Gymnastics Championships na gaganapin sa Belgium sa Setyembre.
Kaugnay ng laban, nakumpleto ng Japan ang podium, kung saan tumagilid si Shinnosuke Oka laban kay Yulo para sa all-around gold na may 86.065 points at Taheru Kitazono na naka-kuha ng 85.431 points para masungkit ang bronze.
Samantala, kailangan ni Yulo na makakuha ng Top 8 ranking sa World Championship na siyang qualifying event para makapasok sa 2024 Paris Olympics. —sa panulat ni Airiam Sancho