dzme1530.ph

Filipinas, nakabalik na sa bansa makaraang sumabak sa FIFA World Cup

Nakabalik na sa Pilipinas ang ilang miyembro ng Women’s National Football Team makaraang sumabak sa FIFA Women’s World Cup 2023 sa New Zealand.

Ayon sa goal-keeper na si Olivia McDaniel, masaya sila na mai-uwi at maipagmalaki ang historic win, na natapos sa 6-0 nang matalo ang kuponan ng European powerhouse ng Norway.

Nagpasalamat din ang midfielder na si Sara Eggesvik sa lahat ng sumuporta at naka-appreciate ng kanilang laban.

Nakamit ng Filipinas ang panalo sa world cup, nang maka iskor ito ng 1-0 kontra New Zealand sa pamamagitan ni Sarina Bolden at McDaniel. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author