Magsasagawa ng field testing ang Department of Agriculture upang matukoy kung anong uri ng gamot ang epektibo laban sa red striped soft-scale insect o RSSI infestation sa mga taniman ng tubo.
Ang fungi na inaasahang makapapatay sa RSSI ay ang Metarhizium anisopliae at Beauveria bassiana, na una nang isinailalim sa lab-controlled testing upang suriin ang bisa ng mga ito.
Sakaling magpakita ng positibong resulta ang mga fungi sa pag-eliminate ng peste, magsasagawa ang ahensya ng mass reproduction at kasabay nito ay pagtuturo ng tamang paggamit sa mga magsasaka at iba pang grupo.
Pinasalamatan naman ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Luis Azcona ang mga pribadong sektor na tumulong sa paghanap ng posibleng solusyon sa infestation, kabilang si Paul Curran, chairman ng sugar mill ng Hawaiian Philippine Company (HPCO).