Hindi ililipat ng Malakanyang ang special non-working day sa Dec. 8 para sa Feast of the Immaculate Conception, na tumapat sa araw ng Linggo.
Ayon sa Presidential Communications Office, mismong ang Office of the Executive Sec. na ang nag-kumpirma na hindi gagalawin ang nasabing holiday.
Mababatid na kalimitan ay inililipat ng Palasyo sa araw ng Lunes o Biyernes ang isang holiday upang makalikha ng long weekend, para sa pagsusulong ng holiday economics.
Sa ilalim ng Republic Act. No. 10966, deklarado ang Dec. 8 ng bawat taon bilang special non-working day sa buong bansa para sa Feast of the Immaculate Conception of Mary. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News