![]()
Bumagsak sa $376 milyon ang investment inflows sa Pilipinas noong Hunyo, pinakamababa sa loob ng anim na buwan.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumaba ng 17.8% ang Foreign Direct Investments (FDI) net inflows mula sa $457 milyon na naitala noong Hunyo 2024.
Kabilang sa FDI ang equity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.
Ang June 2025 inflows ay pinakamababa mula noong Disyembre 2024 na may $356 milyon.
