dzme1530.ph

FDA, bukas sa pag-legalize ng medical marijuana sa bansa

Bukas ang Food and Drug Administration sa pag-legalize ng medical marijuana sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, ang mga Pilipino ay dapat magkaroon ng malawak na pagpipilian ng mga gamot.

Sinabi pa ni Zacate na ang industriya ng medisina ay isang uri ng innovation kung saan maaaring umusbong pa ang mga bagong uri ng gamot, katulad na lamang umano ng penicillin na nanggaling sa fungi ngunit ngayon ay marami nang nagagamot na sugat at nagsisilbi nang antibiotic.

Kaugnay dito, pabor umano ang FDA sa pagkakaroon ng medical marijuana basta’t hindi ito makasasama sa publiko.

Sa kabila nito, ipina-alala ng FDA Chief na nakasalalay sa legislative branch ang pagpapasa ng batas na magle-legalize sa medical cannabis.

Mababatid na ang medical marijuana ay ginagamit sa ibang bansa bilang treatment sa epilepsy, multiple sclerosis, at iba pang sakit.

About The Author