dzme1530.ph

FDA at BIR, sanib-puwersa sa pagtapyas ng presyo ng mga gamot para sa senior citizens

Magkatuwang ang Food and Drug Administration (FDA) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagtapyas sa presyo ng essential medicines para sa senior citizens sa pamamagitan ng pag-exempt sa kanila mula sa Value Added Tax (VAT).

Sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na layunin nila na maging mas abot-kaya ang essential medicines para sa mga seniors.

Kabilang sa mga gamot na ito ay ginagamit ng mga mayroong hypertension, cancer, mental illness, tuberculosis, kidney diseases, diabetes, high cholesterol, at pati na COVID-19.

Ayon kay Zacate, ang FDA ang tutukoy sa mga gamot sa eligible sa VAT exemptions at isusumite nila ang listahan sa BIR para sa implementasyon.

About The Author