dzme1530.ph

Farmgate price ng raw sugar, pumalo sa 19-week high

Umakyat ang farmgate price ng raw sugar sa 19-week high o mahigit ₱2,700 per 50-kilogram bag.

Sa pinakahuling datos mula sa Sugar Regulatory Administration, as of March 10, tumaas ng halos 3% o sa ₱2,770.65 ang farmgate price ng raw sugar kumpara sa sinundan nitong linggo na ₱ 2,695.72.

Lumobo ang presyo ng raw sugar sa loob ng walong sunod na linggo nang manghimasok ang pamahalaan para ilagay sa “fair” level ang presyo ng naturang produkto.

Ito na ang pinakamataas na farmgate price ng raw sugar sa nakalipas na labing siyam na linggo o simula nang maitala ang ₱2,785 noong October 29, 2023

About The Author