Bumaba ng 17% ang farmgate price ng palay noong Enero sa average na ₱20.69 per kilo kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa rin ito ng 0.05% sa average na ₱20.70 kumpara noong December 2024.
Sinabi ng PSA na lahat ng rehiyon maliban sa Eastern Visayas ay nakapagtala ng pagbagsak ng presyo sa loob ng 12-buwan hanggang January 2025.
Ang pinakamahal na farmgate price ng palay ay sa Eastern Visayas na umabot sa ₱24.79 per kilo habang ang pinakamura ay sa CALABARZON na nasa ₱17.41.