Bumagsak sa apat hanggang limang piso kada kilo ang farmgate price ng Kamatis sa gitna ng oversupply.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Executive Director Jayson Cainglet, nararanasan ang pagbagsak ng presyo sa Pangasinan, Nueva Ecija, at Nueva Vizcaya.
Ang pinakabagong presyo ng kamatis ay malayo sa unang naiulat na ₱40 per kilo, as of February at mahigit ₱300 per kilo noong january.
Una nang nanawagan ang grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan na magpatupad ng floor price sa kamatis upang tulungan ang mga magsasaka sa gitna ng oversupply.
Sa kasalukuyang sitwasyon sa produksyon ng kamatis sa bansa, nanawagan ang SINAG sa publiko na suportahan ang mga magsasaka.