dzme1530.ph

Farm Gate Price ng palay, bahagyang bumaba noong Marso -PSA

Bumaba ang presyo ng Farm gate ng Palay nitong Marso.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, nasa 24 pesos and 52 centavos ito kada kilo mula sa 25 Pesos and three Centavos bawat kilo noong pebrero.

Subalit, mas mataas pa rin ng 32% ang Farmgate price ng palay kumpara sa 18 pesos and 57 Centavos kada kilo na naitala noong Marso noong nakaraang taon.

Samantala, nakapag-ulat ng pinakamataas na Farm gate price ang Ilocos Region na umabot sa 27 pesos and 71 centavos bawat kilo, habang pinakamababa naman sa Eastern Visayas na may 19 pesos and 11 centavos kada kilo.

About The Author