dzme1530.ph

FARM EXPORTS, TUMAAS SA PAGTATAPOS NG 2025 SA PANGUNGUNA NG TROPICAL FRUITS

Loading

Nagtapos ang 2025 ng Pilipinas ng may mas mababang agricultural trade deficit sa gitna ng tumaas na farm exports, na pinangunahan ng tropical fruits at sinamahan ng kaunting imports.

 

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang agricultural exports sa 884.77 million dollars noong Dec. 2025.

 

Mas mataas ito ng 19% kumpara sa parehong buwan noong 2024, at kumakatawan sa 36% ng total agricultural trade.

 

Samantala, bumaba ng 24% ang imports na nagkakahalaga ng 1.55 billion dollars o 64% ng kabuuan, nag nagresulta sa trade gap na 668.35 million dollars.

 

Ayon sa Department of Agriculture (DA), edible fruits and nuts, kabilang ang citrus at melon peels, ang nag-dominate sa exports na nasa 329.72 million dollars, o 37% ng kabuuang exports.

About The Author