dzme1530.ph

Fans ng SB19, humihiling ng respeto kasunod ng isyu ng pagpapabayad sa viral song na “Gento”

Umapela ng respeto ang mga fans ng P-Pop supergroup na SB19 matapos magpahayag ng pagkadismaya ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis na hindi na maaaring patugtugin ang kantang “Gento” ng grupo sa kanilang programa nang walang bayad.

Matatandaang noong June 10, 2023, hinamon ng isang contestant si Jhong Hilario, isa ring host ng programa, na sayawin ang naturang viral song.

Kumasa naman si Jhong sa hamon ngunit pinigilan ito ng isa sa mga production staff at sinabing bawal itong patutugtugin dahil may bayad.

Dahil sa pagkagulat, pabirong humirit si Vice na ang kanta na lamang niya na “Rampa” ang gamitin dahil libre naman ito.

Nagsalita rin si Anne at tila nanghinayang dahil ikunukusidera aniyang good promo ang paggamit ng OPM songs sa shows para mai-promote ang music industry.

Agad namang nag-react ang supporters ng SB19 at nag-trending pa nga ang #RespectLocalArtists sa social media platforms. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author