Tiniyak ng Filipino-American Law Enforcement Organization (FALEO) ang kanilang suporta sa Manila International Airport Authority Airport Police Department.
Ang pahayag ng FALEO kasunod ng turn-over ceremony sa ibinigay nitong essential tactical equipment sa MIAA-APD na ginanap sa K9 Facility General Aviation Area.
Kabilang sa mga donasyong kagamitan ay operational gear, outdoor tactical gloves, window breakers, zip cuffs, at iba pang essential items.
Sinabi ni FALEO Col. Jhonabet Rivera at LT. Martin Rivera, ang hakbang ay bahagi ng isang matagal na pagtutulungan at paggalang sa pagitan ng isa’t isa.
Sa panig naman ng MIAA, sinabi nitong ang patuloy na suporta mula sa FALEO ay hindi lamang nagpapalakas sa kahandaan kundi sumisimbolo din sa diwa ng camaraderie at pagkakaisa sa mga law enforcement communities, sa mga hangganan.