Hindi dapat bigyan ng lugar sa modernong lipunan ang fake news.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdalo sa International Conference of Information Commissioners (ICIC) sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Sa kanyang talumpati, inihayag ng pangulo na ang misinformation at disinformation ay problema hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo.
Kaugnay dito, dahil umano sa Freedom of Information (FOI) Program ay naisulong ang kampanya laban sa fake news.
Sinabi pa ni Marcos na magsasagawa ang gobyerno ng Media and Information Literacy Campaign, na magiging digital, multi-media, at youth-oriented.
Sa pamamagitan din umano ng Presidential Communications Office ay matitiyak sa publiko na naipatutupad ang FOI program sa executive branch. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News