dzme1530.ph

Face-to-face classes, sinuspinde ng DepEd ngayong Lunes

Ipinatutupad ang Asynchronous classes o distance learning modes sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa, ngayong Lunes, April 8.

Sa Advisory, ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) na ang paglipat ng in-person classes sa distance learning ay upang payagan ang mga mag-aaral na makumpleto ang mga hindi pa tapos na assignments, projects, at iba pang requirements.

Nakasaad din sa abiso ng DepEd na hindi rin obligadong mag-report on-site ang mga teaching at non-teaching personnel.

Hindi naman saklaw ng naturang advisory ang mga pribadong paaralan, subalit mayroon silang option na magpatupad ng kaparehong set-up.

Ang April 8 ay susundan ng dalawang magkasunod na holidays na kinabibilangan ng Araw ng Kagitingan, bukas, April 9 at Feast of Ramadan, sa Miyerkules, April 10.

About The Author