dzme1530.ph

Face to face classes sa lahat ng paaralan sa Maynila, suspendido ngayong araw

Ipinag-utos ni Manila Mayor Dr. Honey Lacuna Pangan ang pansamantalang suspension ng face to face classes sa Lungsod ng Maynila.

Sa utos ni Lacuna, lahat ng klase sa pampubliko at pribadong eskwelahan ay pansamantalang suspendido ngayong araw ng Abril 24. 2024.

Ang suspension ng face to face classes ay dahil na rin sa mas tumitindi pang init ng panahon o heat index na umabot na sa 43°C, ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office.

Pinayuhan rin ng Alkalde ng Maynila ang mga paaralan sa lungsod na mag-shift na lamang sa asynchronous classes.

 

About The Author