dzme1530.ph

Face to Face classes sa lahat ng antas sa Las Piñas suspendido hanggang bukas

Nagbigay abiso ang Las Piñas City Government na mananatiling suspendido ang Face to Face classes sa lahat ng antas para sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Sa abiso ng LGU epektibo ang suspension ngayong araw at bukas dahil sa inaasahang mataas na temperatura ng init ng panahon dulot ng El Niño.

Pinapayuhan ang mga paaralan na mag-online o asynchronous class muna upang hindi makapagliban ng klase ang mga mag aaral.

About The Author