dzme1530.ph

Face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa, sinuspinde na bunsod ng mainit na panahon

Suspendido ang face-to-face (F2F) classes sa ilang lugar sa bansa ngayong Lunes dahil sa matinding init ng panahon.

Kabilang dito ang Bacolod City at Roxas sa Capiz na nag-anunsyo ng no in-person classes, simula preschool hanggang senior high school sa pampubliko at pribadoing paaralan.

Wala ring pasok sa lahat ng lebel sa mga public at private school sa Kabankalan, Negros Occidental, habang kanselado rin ang F2F classes sa E.B Magalona Negros Occidental ngayong araw hanggang bukas.

Suspendido rin ang face-to-face classes sa Iloilo City, mula preschool hanggang senior high school sa pampubliko at pribadoing paaralan hanggang bukas.

Half-day naman ang klase sa lahat ng lebel sa mga public at private school sa tantangan, south cotabato simula ngayong araw hanggang sa Abril 15.

About The Author