dzme1530.ph

FL Liza Marcos, tumulong kay Kris Aquino para sa “travel arrangements”, ayon sa Pangulo

Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dahilan ng pag-bisita kahapon ng mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby, sa kanyang asawang si First Lady Liza Marcos.

Ayon sa Pangulo, bukod sa pagdadala ng pasalubong ay nagpasalamat din ang dalawa sa tulong na ibinigay ni Ginang Marcos para sa kanilang “travel arrangements”.

Bukod dito, nilinaw din ni Marcos na ang kanyang maybahay ay tiyahin nina Josh at Bimby, dahil ang tiyahin ni Ginang Marcos ay napangasawa ni Pedro Cojuangco na kapatid ni Former President Corazon Aquino.

Sinabi rin ni Marcos na maayos ang ugnayan nila ng Pamilya Aquino ngunit hindi lamang talaga sila nagkakasundo pagdating sa pulitika.

About The Author