Ibinasura ng Timor-Leste Court of Appeal ang hiling na extradition ng Pilipinas para kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na nahaharap sa kasong multiple murder sa bansa.
Ikinagulat at labis na ikinadismaya ng Department of Justice (DOJ) ang naging desisyon ng appellate court ng Timor-Leste, lalo na’t dati nang kinatigan ng Korte ang request ng Pilipinas.
Sinabi ng DOJ na nakapagtataka dahil matapos paboran ng dalawang beses ang extradition noong June 2024 at December 2024, ay biglang binaliktad ng Timor-Leste Court of Appeal ang posisyon nito at ni-reject ang request ng bansa.
Sa ngayon ay humihingi ang ahensya ng karagdagang paglilinaw hinggil sa naging basehan ng bagong desisyon.
Wala pa rin umanong natatanggap na opisyal na kopya ang DOJ sa naturang ruling.