dzme1530.ph

External debt ng bansa, lumobo sa higit $118-B noong first quarter ng 2023

Lumobo sa 29% o $118.8-B ang foreign debt ng bansa sa first quarter ng 2023.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang external debt-to gross domestic product (GDP) ratio ay mas mataas ng 6.8% o $7.5-B kumpara sa naitala na 27.5% o $111.3-B noong December 2022.

Ini-uugnay ng Central Bank ang mataas na foreign debt sa net availments na $7.6-B, external debt ng pampublikong sektor na lumobo sa $75.2-B, at private sector debt na $43.6-B.

Sa kabila nito, sinabi ng BSP na nananatili sa magandang lebel ang external debt ng bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author