dzme1530.ph

Expertise at karanasan ng bagong talagang kalihim ng DoTr, inaasahang makakatulong sa transport sector

Loading

Tiwala ang mga senador sa kakayahan ni dating Bases Conversion Development Corporation President and CEO Vivencio ‘Vince’ Dizon na magampanan nang maayos ang bagong tungkulin bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Sen. Grace Poe, malawak na ang karanasan ni Dizon upang maisulong ang mga kinakailangang reporma at proyekto sa sektor ng transportasyon.

Idinagdag ng senadora na maaasahan ng bagong pinuno ng DoTr ang suporta ng Senado sa mga hakbang na magdadala ng ginhawa sa mga commuters at magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa mga isyu ng transportasyon sa bansa.

Inaasahan ni Poe na magtutulungan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng bagong liderato ng DoTr upang mapabuti ang transportasyon sa bansa para sa kapakinabangan ng publiko.

Umaasa naman si Sen. JV Ejercito na maipagpatuloy ni Dizon ang mga programa tulad ng airport modernization, subway, Metro Manila Subway Project, North-South Commuter Railway, Mindanao Railway, at PNR South Long Haul— mga proyektong magdadala ng mas maayos, episyente, at modernong transportasyon para sa ating bansa.

Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na walang dudang matutugunan ni Dizon ang mga tungkuling dapat niyang gampanan sa DoTr.

May sapat anya siyang kaalaman at kakayahan sa pagpapatupad ng mga mahahalagang proyekto sa imprastraktura.

About The Author